Kalawakan Express

Maligayang Pagdating sa Programang VBS ng Kalawakan Express! Handa na ang lahat para sa iyo na mag-‘take-off' at gumawa ng isang linggong espesyal na programa para sa mga bata sa iyong simbahan at komunidad na maaaring magbago ng kanilang buhay magpakailanman! Masisiyahan ang mga guro na baguhin ang isang lugar sa iyong simbahan o club tungo sa isang space shuttle, ang 'Kalawakan Express' kung saan bawat araw ang buong grupo ay 'lilipad' sa kalawakan upang galugarin ang mga kamanghaan ng Diyos. Ang mga bata ay magsasaya habang lumilipad sila sa sasakyang pangkalawakan, kumakaliwa't-kanan habang iniisip nila na ito ay lumiliko at umiiwas sa mga asteroid. Ang mga audio track para sa paglipad at paglanding ay pupukaw sa imahinasyon ng bata, pati na rin ang pang-araw-araw na skits kasama ang kapitan at ang kanyang katulong na robot.